Category:Distinctive Philippine Practices

From Wikipilipinas: The Hip 'n Free Philippine Encyclopedia
Jump to: navigation, search

TATAK PINOY

Mayroon talagang mga katangian tayong mga Pilipino na masasabing atin. Kumbaga ito’y tatak Pinoy kung sabihin. Magkakaiba man tayo ng lugar na kinalakihan, mga kinasanayan na gawin o mga tradisyon man, tiyak pa rin na mayroon tayong taglay na pagkakaparepareho sa ating mga kapwa Pilipino. Tila ba’y nananalaytay sa ating mga dugo ang pagiging isang Pilipino. Ito may maging maganda o hindi kagandahan sa paningin ng ibang lahi ngunit para sa ating mga Pilipino ito’y nakasanayan na at mahirap ng tanggalin sa ating araw araw na kinagisnan.

Narito ang limang kasanayan nating mga Pilipino o maari ring sabihin Tatak Pinoy.

Pilipino ka kung: PSST!

Madalas ang palatandaan ng mga Pilipino sa ibang bansa ay sa tuwing sila ay sisitsit o gagawa ng tunog na PSST ang kung sino man ang lumingon ay siyang kapwa Pilipino. Naging kasanayan na kasi nating mga Pilipino ang pamamaraan na ito. Para itong alternatibong pamamaraan ng pagtawag sa isang tao nang hindi ginagamit ang pangalan nito. Masasabing hindi tama ang paggamit nito sapagkat nagsisilbi ito hindi paggalang sa pangalan ng tao. Ngunit dahil ito’y nakasanayan na, hindi maiwas-iwasan ng mga Pilipino ang paggamit nito.

Pilipino ka kung: PAGMAMANO

Hindi tulad ng pag-Psst, ang pagmamano ay isang pamamaraan at kasanayan nating mga Pilipino upang magbigay respeto sa mga nakatatanda. Ito ay ang paghawak sa kanang kamay ng nakatatanda at ilalagay o ididikit sa noo o bumbunan ng nakakabata. Ito rin kasi ang paraan ng

Pilipino ka kung:Yumuyuko ka sa tuwing dadaan ka pagitan ng naguusap.

Kadalasan ang mga Pinoy ay mahilig o natural na sakanila na yumuyuko sa tuwing sila ay dadaan sa gitna ng dalawa o higit pa ang bilang ng tao. Minsan ito ay may kasamang “excuse me” o maaari rin naman na wala. Ito ang kanilang paraan ng pagsabi ng “excuse me” kung ihahalintulad sa pamumuhay ng ibang lahi. At nagpapahiwatig rin ito ng pag-respeto sa mga taong nag uusap. Maraming makikita na Pilipino ang gumagawa nito kahit na sila ay wala sa kanilang bansa dahil ang ugaling ito ay naipasa na sa kanila ng kanilang mga magulang o mga nakatatanda.

Pilipino ka kung:Ginagamit mo ang nguso bilang panturo

Ang mga Pilipino ay madalas gamitin ang kanilang mga nguso pamalit ng kanilang daliri sa tuwing may magtatanong sa kanila. Ibis na ang daliri nila ang gamitin para ituro kung saang direksyon makikita ang iyong tinatanong kadalasan ang nguso nila ang kanilang gagamitin minsan may kasama pa itong “doon”

Pilipino ka kung: Sinisipulan mo ang mga babae na seksi o maganda

“woot-woot” ang kadalasang maririnig sa mga kalalakihan kapag may dumaan sa harap nila na babaeng maganda at/o seksi. Ito ay nakagawian na ng mga lalaki upang ipahayag sa mga babae na sila ay maganda o seksi ng hindi nila kinakausap ang mga babae.

Subcategories

This category has only the following subcategory.